Pages

Monday, July 14, 2014

Patama quotes Presents : Dear Ate Pipay Part 1

Patama quotes Presents : Dear Ate Pipay Part 1

Dear ate pipay,

itago na lang po ninyo ako sa pangalang ana . isa po akong masugid na taga subaybay ng inyong programa .  nais ko po sanang ibahagi ang aking kwento at makahingi ng payo sa inyong mga tagapakinig . eto po ay tungkol kay mario. 

isa po akong anak ng panadero dito sa las pinas , meron po kaming maliit na bisnis na kalaunan dahil sa sipag at tiyaga ng mga magulang ko ay umunlad ang aming negosyong bakery. 

bata pa lang ako , natutunan ko ng mag bake ng sari sari tinapay at marami na din po ang nagssabi na minana ko ang galing ng mga magulang ko sa pag papanaderya. 

pag uwi ko galing sa skwela , tinutulungan ko ang mga magulang ko na maghanda sa mga gagamiting pangluto sa tinapay. 

masasabi pong isa akong masunuring anak , walang bisyo kundi ang kumanta at magbake. 

isang araw habang papauwi kami ng mga barkada galing sa eskwela , isang grupo ng mga kalalakihan ang nakatambay sa may kanto na nagtatawanan habang tinitingnan kami . 

palihim akong nainsulto sa kanilang ginawa pero hindi na lang ako umimik . nagmamadali kaming lumakad na barkada ko  , habang papalapit kami sa kanila mas lalong lumalakas ang kanilang mga tawanan na para bang pinaparinig talaga nila sa amin. 

Binilisan namin ang aming mga hakbang para makalayo na ng tuluyan sa mga grupong eto . nang nakalayo na kami ng halos limang dipa  may sumipol na malakas . dahil sa gulat ko napalingon ako doon sa lalaking sumipol at inirapan ko at dali daling tumakbo . 

nang makarating na ako sa bahay at naghahanda na ng mga gagamitin sa pagluluto na tinapay hindi maalis sa akin ang mukha ng lalaking sumipol . doon ko napansin na may mukha siya na hindi mo maiiwasang titigan dahil sa kanyang angking kagwapuhan . 

maputi siya , maganda ang hubog ng katawan , matangkad , na pweding ihambing sa mga modelo ngayon. mapungay ang kanyang mga mata pero pag ngumiti lumalabas ang pag ka chinito nito . 

magkahalong paghanga at galit ang naranasan ko sa lalaking sumipol sa amin. 

kinabukasan , excited akong pumasok dahil sa bago naming subject . nakaupo kami sa harapan kasama ng mga kaklase ko at nakikinig sa professor namin . hanggang sa me tinanong ang professor namin patungkol sa subject . 

Pero walang nakakaalam sa sagot . naging tahimik ang room at bawat isa ay umiiwas sa mata ng aming guro, ang iba namay  nag kukunwaring magsulat. 

hanggang sa may nagtaas ng kamay at sumagot sa likod , nagpalakpakan ang lahat ng mga studyante dahil sa galing niya sa pag sagot . na kahit ako ay lihim na napabilib sa lalaking sumagot . 

ipinakilala siya ng aming professor , siya si mario . isang transferee . lumingon ako sa likod para makita ko ang kaniyang anyo . 

nagulat ako ate pipay , si mario at ang lalaking sumipol sa akin ay iisa. nang lumingon ako, hindi sinasadyang nagkatinginan kami sa isat isa . hindi ako makapaniwalang kaklase ko ang lalaking nambastos sa akin sa kalsada.  ngumiti sa akin si mario na para bang na may pag ka antipatiko . \

halos hindi ko maalis ang aking paningin sa kanya , marahil dahil sa napabilib ako sa sagot niya o kaya naman nabato-balani ako sa kanyang kagwapuhan 

para hindi mahalata ni mario na napatulala ako sa kanya , binitawan ko siya ng isang irap sabay talikod . sinabi ko sa kaklase ko si marie na kasama ko din noon na naglalakad na siya yung lalaking sumipol sa amin kahapon. 

napaligon siya sa likod at bumalik na kinikilig. 

lumipas ang ilang araw na hindi ko siya pinapansin. pero hindi ko maiwasang palihim na tingnan siya . nenerbyos ako sa twing magkakasalubong kami sa pasilyo nang eskwelahan. 


dumating ang araw na ang aming proffessor ay nagpanukla ng isang group project .ang layunin ng group project na eto ay ipakita ang mga natagong galing nang bawat studyante. nagkapilihan na lahat , ang bawat isa ay pinili ang kanilang mga kaklaseng malapit sa kanila . 

si marie na inaasahan kong makakasama ko sa project ay nakahanap na nang kasama , nagtanong ang professor namin kung sino pa sa amin ang walang kagrupo . nagtaas ako ng kamay . 

" ana grumupo ka na kay mario , pareho kayong dalawa na walang kagrupo "  sabi ng professor ko nagulat ako sa sinabi ng professor namin , kaming dalawa ni mario ang magkagrupo ? 


No comments:

Post a Comment

About US